<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9126556?origin\x3dhttp://aventurero711.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>



past entries

Sunday, November 27, 2005

social awareness

ako si inbisibol man...

... at di nila ako kita. araw-araw ako'y sumisigaw, rumarampa, nagwawala't naghuhubad sa harap ng isang awdyens na patuloy lamang sa kanilang mga karagdagang gawain. mga mukhang istatwa; mga bibig na sumasabay sa mga kantang hindi ko naririnig at hindi ko alam kung marinig ko man; mga taong kinakausap ang kanilang selfon na parang ito'y nakapaghahatid ng bagong dimensyon kung saan ang isang tulad ko'y hindi nabubuhay; mga matang titingin nang sandali pagkatapos babalik sa ilaw na nakapagpapatunay ng kanilang kinabukasan at kinaroroonan (pula. dilaw. berde.): ang mga ito ang awdyens ko. walang kuwentang awdyens na di man lang hihingi ng encore sa aking palabas na pinaghanda ko buong buhay ko. mula nung ako'y inbisibol boy, nahasa na ang aking iskils sa iba't ibang paraan upang makapagpakita ng mas epektibong perpormans sa aking minamahal na awdyens. ngunit, kahit ano man ang gawin ko, ako'y inbisibol pa rin. ako ang tsuperhiro na hindi na nga tsuper, nangangailangan pa ng sariling hiro.

marami atang tao ngayon ah. baka may seyl sa plasa. buti na lang, dito ako pumupuwesto kahit todo tutol ang mga taong naka bughaw. minsan nga, sa konting tubo ko sa mga taong may dalang eksreyglases, kinukuha pa nila, para bumili ng yosi't kendi. ang mga taong-bughaw, kailangan, iwasan. sila and tsuperbileyn ng isang tsuperhiro na hindi naman tsuper at nangangailangan ng sariling hiro.

haaay. marami ngang tao, inbisibol pa rin ako. kahit napakabagal ng andar ng mga tao, at kahit magsalsal na ako sa harap nila, ako'y parang hangin lamang na hinihinga nila.. ngunit mas mabaho. lakad lakad. tingin tingin. katok katok. piso piso. tenkyu tenkyu. pansin ko lang, pa-onti nang pa-onti ang mayeksreyglases ngayon. siguro nagmahal na.

sa gitna ng lahat, ako'y nagpasiya gumawa ng granpinali. sa gitna ng lahat, sa araw na iyon, ako'y naghubad, sumayaw at kumanta. kahit hindi ako magaling kumanta, baka marinig pa rin nila ako. sabi ni inbisibol girl, pag hubad ka raw, magkakaeksreyglases ang mga tao. otomatik daw yun. pero, ba't kung ako? wala pa ring nakakakita? eto na nga ako o, nasa gitna ng daan, parehong kamay nakalabas, nagbubuhat ng napakabigat na mga piso sa bawat palad. haaaay. ayoko na nito. di talaga sisikat ang aking palabas nito. sana, normal na tao na lang ako. taong walang tsuperpawurs. buti pa sila, nagkakakitaan....

ako si inbisibol ma. nabangga sa interseksyon. nabagok ang ulo. duguan sa gitna ng kalye. eto ang wakas ng aking granpinali. at napakita ko na rin sila.


the adventure ended at 8:47 PM

0 comments